Recent Posts

Monday, August 17, 2009

Halina sa Cartimar

Kahapon, nagpunta ako sa Cartimar kasama ang aking kaibigang si Judy. Nagbabalak akong magsimula ulit ng bagong aquarium na may mga halaman kaya naisipan kong bumili muna at magtanim bago bumili ng isda. Gusto ko kasi na malago na ang mga halaman bago ko lagyan ng mga isda. Bibili sana ako ng Java Fern pero nahirapan akong maghanap kaya kumuha na lang ako ng mga pictures ng mga nagustuhan kong isda at mga aquarium.

Ang mga isda sa picture ay tinatawag na discus fish. Matatagpuan sila sa Amazon river. Hindi pa ako nakakapag-alaga ng isdang yan pero baka malapit na.


Sa aking paglilibot, may napansin akong isang bagon tindahan sa Cartimar. Specialty nila ang mga reptiles. Green Iguana ang nasa picture sa taas pero marami din silang tindang mga ahas, gila monster, at bearded dragon.


Hindi ako sigurado kung ano itong lizard na ito. Siguro, mga batang green iguana ito. Ano kaya ito? Hmmm?


Ito naman ang isang arowana. Walang nakalagay na pangalan sa aquarium niya pero isa itong variety ng golden arowana. Whew! Napakalaki at napakagandang isda talaga ng mga arowana.

Hindi naman nasayang ang punta ko sa Cartimar. Nakakita ako ng mga magagandang isda at ng isang bagong tindahan na puro reptiles and laman. Hindi man ako nakabili ng Java Fern, nakabili naman ako ng mga Java moss, at yun na lang muna ang patutubuin kong halaman. Antabayanan ang next kong post tungkol sa Java moss.

0 comments:

Post a Comment

Blog Widget by LinkWithin

Previous posts