Recent Posts

Tuesday, August 18, 2009

Ang Java Moss

JavaMoss01 Noong Linggo, nagpunta kami ni Judy sa Cartimar. Bumili siya ng mga halamang pantanim sa kanilang bakuran. Ako naman, bumili ako ng halamang pantanim sa aquarium. Bumili ako ng Java moss, isang uri ng lumot na may potential na magamit para sa iba't ibang bagay.
Ang Java moss ay nabibilang sa pamilya ng mga halamang tinaguriang hypnaceae. Noon, ito ay may pangalang vesicularia dubyana ngunit inilalagay din ito sa ilalim ng scientific name na taxyphyllum barbieri.

Kulay berde ang mga dahon nito ngunit maaari itong mabili sa mga tindahan na medyo brown and kulay. Sobrang liit lang ng mga dahon nito. Dahil lumot ang halamang ito, gumagapang ang mga maliliit na brown/black na tangkay at kumakapit ito sa mga bato.

Hindi masyadong maselan ang Java moss. Maaari itong patubuin sa iba't ibang klase ng tubig -- mula sa pinakamalinis na tubig tabang hanggang sa mga tubig na may kaalatan, tutubo pa rin ito. Konting ilaw lang din ang kailangan ng Java moss. Sa katunayan, mas nagiging madilim ang kulay nito kapag inilawan at nagiging matingkad naman ito kapag kaunting ilaw lang. Hindi rin nito kailangan ng mga fertilizer.

Sa pagsisimula ng pagtatanim, kailangan lang magtali ng manipis na layer ng Java moss sa isang bato, tuod (driftwood), o kahit bao ng niyog. Sa umpisa, dapat, hindi muna ito iilawan ng marami para lumabas ang mga matitingkad na green na sibol. Sa loob ng isang buwan, maaari na itong ilawan. Kapag nag-kaugat na ang mga moss, wala nang dapat problemahin. Kailangan lang itong icheck at tabasan ng tangkay dahil maaari itong lumago at maging masukal. Ano ang gagawin sa mga pinagtabasan? Maari ulit silang ilagay sa bato o kahit anong bagay.

images images2

Sa mga taong nagpaparami ng isda tulad ng guppy o platy, magandang isama ang Java moss sa aquarium dahil makakapagtago ang mga maliliit na isda sa mga dahon ng lumot. Mapoprotektahan nito ang mga kapapanganak pa lang na mga isda mula sa mga cannibalistic nilang mga magulang.

Dahil napakadaling alagaan ng halamang ito at maraming paggagamitan, magiging mas interesante ang aquarium. May nakita nga akong mga pictures sa net na magsasasabing ang limitation lang ng halamang ito ay ang imagination ng nagtatanim.

5551b3b_20 AquariumPlants43

fc10479730b28a11a4b8828259d31d1d Javamoss 

Mga huling habilin: P 50.00 ang regular na presyo ng Java moss sa Cartimar. Isang punong cup ng samalamig worth of Java moss ang ibibigay sa inyo. Marami na yon. Makakapuno na iyon ng isang 10 gallon na aquarium. Pag-tumubo na ng maganda ang mga Java moss ko, magpopost ako ng pictures.

4 comments:

Dhaltons said...

lumalago ba talaga tong java moss na parang tree type! ung sa aquarium? i mean dumadami pa ba sya? or nag spread pa?

Rchrd said...

hindi siya nagkakaron ng trunk. yung nasa picture, pinatubo lang yan sa driftwood kaya mukha siyang puno. nag-sspread pa yan. kung iiwan mo lang yan sa aquarium, sooner or later, buong aquarium magkakaron ng java moss. ehehe

Dhaltons said...

kung ganun edi maganda sya talaga.. ngayun ang tanung ng buong bayan, pano mo ittrim! diba sir meron ka nyan?

Rchrd said...

depende. kung gusto mo tanggalin sa aquarium at gunting-guntinging, ok lang. kung di naman masyadong malago, pwede rin namang pitas-pitasin. at ang kaigihan, yung mga binunot at ginupit, pwede ulit itali sa ibang mga bato or driftwood. dadami siya lalo. pwede mong ipamigay or ibenta. ehehe

Post a Comment

Blog Widget by LinkWithin

Previous posts