Recent Posts

Friday, August 21, 2009

Ang Aquarium at Oxygen

Akala ng ibang tao, ang aquarium ay isang salaming lalagyan ng isda at tubig. Kung tutuusin, tama naman ito pero nakakalimutan ng marami na ang aquarium ay isang buhay na environment tulad ng mga kagubatan, dagat, at ilog. Dahil dito, kailangang tandaan ng Pinoy Aquarist na maraming nagaganap na mga biochemical processes sa loob ng isang aquarium tulad ng oxygen cycle.

Simulan natin sa oxygen. Ang oxygen ay kailangan ng lahat ng hayop para mabuhay. Sa isda, kinukuha nila ito sa tubig gamit ang kanilang hasang (gills). Dahil dito, kailangang puno ng oxygen ang tubig ng aquarium. Kung kulang sa oxygen ang aquarium, mamamatay ang mga isda dahil di sila makakahinga.

Tanong: Paano malalaman ng isang Pinoy Aquarist kung sapat ang oxygen sa aquarium?

Sagot: Kung ang mga isda ay naglalanguyan lang malapit sa ibabaw ng tubig, kulang ang oxygen. Pumupunta sila sa ibabaw dahil mas maraming oxygen doon na natutunaw mula sa hangin. Kapag ang mga isda ay malayang naglalanguyan sa gitna at ilalim ng tubig, magandang sign yon na may oxygen sa lahat ng parte ng aquarium.

Tanong: Paano masisigurong may oxygen ang buong aquarium?

Sagot: Para maksigurong may oxygen (O2) sa lahat ng parte ng aquarium, kailangang umikot ang tubig ng aquarium mula sa taas, pababa, at pataaas ulit. Siyempre, ang carbon monoxide (CO2), dapat, umiikot din at lumalabas ng aquarium. Ganito dapat:

Oxygen Flow Nakakatulong din ang mga halaman sa pagtanggal ng carbon monoxide kaya naman magandang may mga halaman din sa aquarium. Maaaring gamitin ang mga bula ng filter sa paggawa ng ganitong agos sa loob ng aquarium kung box type ang filter. Kung overhead ang filter, mas maganda dahil sa pump, napupwersa ang tubig na umikot sa loob ng aquarium.

Kailangan ding tandaan na ang kahit anong nabubulok na bagay ay nagtatanggal ng oxygen mula sa tubig. Ang pagkabulok ay dahil sa mga bacteria. Dahil kailangan din ng mga bacteria ng oxygen, aagawin nila ang oxygen sa tubig para tunawin ang mga biodegradable na bagay sa aquarium. Para maiwasan ito, kailangang walang tirang pagkain ng isda o mga patay na isdang hahayaan lang sa loob ng aquarium.

Marami pang ibang biochemical na prosesong nagaganap sa loob ng aquarium. Isa lamang ang oxygen sa mga ito. Sa susunod kong post, ididiscuss ko ang ibang mga cycle na ito. Hanggang sa muli!

0 comments:

Post a Comment

Blog Widget by LinkWithin

Previous posts