Kaninang madaling-araw, nakatanggap ako ng email mula sa isang baguhang Pinoy Aquarist. Nagtanong siya sa akin ng maraming basic na bagay tungkol sa pag-aalaga ng isda at na-realize kong ako ay naging excited at nag-madali akong isulat ang mga gusto kong bagay sa blog na ito. Dahil may Yahoo! Messenger siya, nagchat kami at narealize kong nagkamali ako sa mga unang topic na isinulat ko kaya mag-sisimula ako ngayon ng aquarium basics.
Tulad ng pag-luluto o ano pa mang libangan, dapat may mga akmang gamit para sa pag-aalaga ng isda. Kung basic lang ang pag-uusapan, konti lang talaga ang kailangan para sa nag-sisimulang Pinoy Aquarist.
Una, kailangan ng isang aquarium. Para sa mga baguhan, mas maganda kung medyo malaki ang aquarium. Kung tatanungin, 30 gallons ang magandang size ng aquarium. May kamahalan kung tutuusin pero may magandang paliwanag dito pero hindi na muna sa post na ito. Sa susunod na ulit.
Pangalawa, kailangan ng filter. Maraming klase ng filter. May box type, under-gravel type, at overhead type. Kailangan ito para maging malinis ang tubig ng aquarium. Ang napili kong picture ay isang box type na filter dahil ito ang pinaka-common na filter na makikita sa mga petshop. Bago ko nga pala makalimutan, gagawa din ako ng post tungkol sa mga home-made filters na pwedeng ipampalit sa box types kaya hintay lang kayo ha.
Siyempre, ikatlo, kailangan ng tubig para mabuhay ang isda. Medyo masalimuot na usapin din ito kaya irereserve ko na rin ito para sa isa pang sususnod na post.
At ang pinaka-huli pero pinaka-importante, siyempre, dapat may isda ang aquarium. Depende sa kung ano ang aalagaan ng isang baguhan pero mura lang ang isda. Kung mollies o swordtail lang, mga P 8.00 – P 10.00 lang ang mga ito.
Ngayon, dadadako na tayo sa mga optional na gamit. Una na dito ang ilaw. Dahil salamin ang aquarium at ang tubig ay may sariling kakayanang mag-reflect ng ilaw, kailangang may magandang pinanggagalingan ng ilaw para makita ng mga tao ang isda.
Kung mag-hahalaman, siyempre, kailangan ito para sa photosynthesis. Susunod, kailangan ng buhangin. Ididiscuss ko din ito sa isa pang susunod na post.
Hmm… tingnan nga natin ang presyo. Note: hindi ko alam kung ito pa rin ang presyuhan ng mga gamit. Mag-reresearch ako para makita ko kung mag-kano talaga ang takbuhan ng mga presyong ito. Sa ngayon, manghuhula muna ako:
30 gallon aquarium | P 1000.00 |
filter | P 300.00 |
isda | P 200.00 |
ilaw | P 300.00 |
buhangin | P 300.00 |
Total: | P 2100.00 |
Naku, medyo mahal ata, pero tandaan, estimate pa lang yan. Sa susunod na pupunta ako sa isang petshop, mag-cacanvass ako para sa inyo kaya antabayanan ang mga susunod na kabanata! Paalala niyo sa akin ang mga next topic ko ah!
0 comments:
Post a Comment