Recent Posts

Sunday, August 16, 2009

Ang Pinoy Aquarium

Ako si Richard pero Rchrd na lang for short. Matagal na akong nagsusulat ng blog pero ngayon lang ako talagang nagseseryoso. Sa tagal kong dito sa blogosphere, pero konti pa lang ang mga blog na nakikita ko tungkol sa pag-aalaga ng isda at mga halamang pantubig. Dahil dito, naisipan kong gumawa ng blog tungkol sa pag-aalaga ng mga isda at mga tanim para sa aquarium.

Bata pa lang ako, mahilig na ako sa alagang isda. Natatandaan ko pa, ang tita ko, si Tita Margie, ang pinagsimulan ng hilig kong ito. Tuwing Linggo, pagkatapos magsimba, binibili niya ako ng goldfish na nakalagay lang sa supot. Noon, malaking garapon lang ng mayonaise ang pinag-aalagaan ko ng isda kaya hindi nagtatagal ang buhay ng mga alaga ko. Dahil kay Tita Margie, nakapag-alaga ako ng mga goldfish, karpa, angelfish, at hammerhead shark.

Lumipas ang mga taon, nagkaroon na ako ng aquarium at naging interesado ako sa mga halamang pantubig. Nagsimula naman itong bagong hilig ko dahil sa isang assignment naming noong highschool. Sabi ng teacher namin, magdala daw kami ng hydrilla sprig sa school. Ang problema, hindi ko alam kung ano ang hydrilla sprig kaya nag-research ako sa library. Nagulat ako noon dahil halamang pantubig pala yun at ang ganda tingnan. Dahil sa research na yon, nalaman ko ding sa Cartimar pala makakabili non. Nung nagpunta ako sa Cartimar, napakaraming mga halaman pala ang pwedeng itanim sa aquarium.

Marami na akong naalagaang isda at halamang pang-aquarium at marami na rin akong natutunan tungkol sa pag-aalaga ng mga ito. Ngayon, naisipan kong magsulat ng blog para makapag-share naman ako ng nalalaman ko tungkol sa mga isda at mga halaman sa mga kapwa ko Pinoy na mahilig din sa aquarium.

Ang larawan ng hydrilla ay galing sa Clean-Flo.com.

0 comments:

Post a Comment

Blog Widget by LinkWithin

Previous posts