Pag pasok ko sa pet central, bumungad kagad ang isang shop na punong puno ng isda! halo
halo, may pang freshwater at sympre may pang saltwater din, nandito lahat ng trip mo.. hiwahiwalay ang mga equips FISH,TANKS, at PLANTS! madaming mapagpipiliin! madami nagtatawaran sa paligid, hindi ko matanggal ang ngiti sa mukha ko! parang matutupad lahat ng pangarap kong gawin sa freshwatertank ko pero kailangan mo magmukang mahirap dun.. kasi hndi ka nila tatawaran.. katulad nalang ng nakita ko! cge labas sya ng mga mamahalin nyang gamit, bwat tawad nyahndi sya pinapayagan! hehehehe.. mag highheels ka ba naman sa ganung lugar.. amp..
habang ako ay nagiikot..
napansin ko sa malayu na parang may malaking tangke dun sa loob ng isang shop lumapit ako at muntik na akong himatayin.. hndi ako makapaniwala sa mga nakita ko as in HNDI talaga... isang malaking tangke na kasi haba ng kotse ko, at kasing lapad din ntio! pano ba naman hndi ganun kalaki eh ung mga laman neto eh kasing haba ng binti ko.. at masmataba pa sa binti ko.. kumuha ako ng pictures neto dahil hndi ko matanggal sa mukha ko ang pagkamangha!
Aquarium 20gal: 500 pesos(may tawad na)
Overhead Filter: 300 pesos(may tawad na)
Bluelight : 180 pesos(floricent palang yan)
with Floricentcase: 500pesos(Over priced yan, d ko matawaran, kung maganda kayu matatawaran yan)
Driftwood : 40 pesos(depende sa laki)
Substrate : 30 pesos perbag(6 bags binili ko so 180 bigay sakin)
Plants : 5 pesos pinaka mababa 350 pinakamataas(sa mga natanung ko)
Hndi pa lahat yan, madami pa! pero sympre ung mga need ko lang kinuha ko.. masaya sa cartimar.. sayang nga lang hndi ko kasama GF ko at bestfriend ko! for sure mahahatak din sila sa fish pagnapunta sila dun! nweiz madudugtungan pa toh! babalik pa ko dun eh! ^_^












