


Ayan,, sana makita pa ni master toh, nakalimutan ko kasi ung name ng plant ko na ginagawa kong grass eh! hehehe...
Recent Posts
Naku, commercial muna ulit. Kanina, nagpunta ako sa aquarium ng Tita ko para i-check ang mga isda. Pag-bukas ko ng ilaw, may napansin akong mga kakaibang mga tuldok sa isang sulok ng aquarium. Nung tiningnan ko, may mga itlog ang parrotfish namin!!! Heto ang isang malabong video, courtesy of my useless phone.
Ito pa isang malabong video:
Ang ganda talaga ng phone ko. Ehehehe! Ito naman, isang malabong pic. Hayaan ninyo, pag nakabili na ako ng mas magandang camera, crisp and clear na ang mga pictures at video.
Ayan. Hopefully, mapisa ang mga itlog na ito dahil nalaman ko na hindi lahat ng mga parrotfish eggs ay fertilized. Dahil hybridized ang mga isdang ito, ipinapanganak silang baog (sterile) pero matalino ang Diyos. Maaaring fertilized ang mga itlog na ito. Ehehehe!
Akala ng ibang tao, ang aquarium ay isang salaming lalagyan ng isda at tubig. Kung tutuusin, tama naman ito pero nakakalimutan ng marami na ang aquarium ay isang buhay na environment tulad ng mga kagubatan, dagat, at ilog. Dahil dito, kailangang tandaan ng Pinoy Aquarist na maraming nagaganap na mga biochemical processes sa loob ng isang aquarium tulad ng oxygen cycle.
Simulan natin sa oxygen. Ang oxygen ay kailangan ng lahat ng hayop para mabuhay. Sa isda, kinukuha nila ito sa tubig gamit ang kanilang hasang (gills). Dahil dito, kailangang puno ng oxygen ang tubig ng aquarium. Kung kulang sa oxygen ang aquarium, mamamatay ang mga isda dahil di sila makakahinga.
Tanong: Paano malalaman ng isang Pinoy Aquarist kung sapat ang oxygen sa aquarium?
Sagot: Kung ang mga isda ay naglalanguyan lang malapit sa ibabaw ng tubig, kulang ang oxygen. Pumupunta sila sa ibabaw dahil mas maraming oxygen doon na natutunaw mula sa hangin. Kapag ang mga isda ay malayang naglalanguyan sa gitna at ilalim ng tubig, magandang sign yon na may oxygen sa lahat ng parte ng aquarium.
Tanong: Paano masisigurong may oxygen ang buong aquarium?
Sagot: Para maksigurong may oxygen (O2) sa lahat ng parte ng aquarium, kailangang umikot ang tubig ng aquarium mula sa taas, pababa, at pataaas ulit. Siyempre, ang carbon monoxide (CO2), dapat, umiikot din at lumalabas ng aquarium. Ganito dapat:
Nakakatulong din ang mga halaman sa pagtanggal ng carbon monoxide kaya naman magandang may mga halaman din sa aquarium. Maaaring gamitin ang mga bula ng filter sa paggawa ng ganitong agos sa loob ng aquarium kung box type ang filter. Kung overhead ang filter, mas maganda dahil sa pump, napupwersa ang tubig na umikot sa loob ng aquarium.
Kailangan ding tandaan na ang kahit anong nabubulok na bagay ay nagtatanggal ng oxygen mula sa tubig. Ang pagkabulok ay dahil sa mga bacteria. Dahil kailangan din ng mga bacteria ng oxygen, aagawin nila ang oxygen sa tubig para tunawin ang mga biodegradable na bagay sa aquarium. Para maiwasan ito, kailangang walang tirang pagkain ng isda o mga patay na isdang hahayaan lang sa loob ng aquarium.
Marami pang ibang biochemical na prosesong nagaganap sa loob ng aquarium. Isa lamang ang oxygen sa mga ito. Sa susunod kong post, ididiscuss ko ang ibang mga cycle na ito. Hanggang sa muli!
Ok. As promised, nagcanvass ako ng actual prices ng mga gamit pang aquarium. Medyo sablay ang iba kong prices nung isang araw. Ito pala ang mas realistic na mga presyo:
30 gallon aquarium | P 750.00* |
overhead filter | P 350.00 to P 650.00* |
ilaw | P 685.00* |
total | P 1785.00 to P 2085.00 |
Yung mga may asterisk, prices yan ng mga items sa isang sikat na pet store sa mall. Sa Cartimar at Arranque kaya, magkano? Kailangan ko nanaman siguro mag field trip sa Cartimar.
Yung prices ng mga isda at gravel, sobrang iba-iba dahil iba-iba rin ang taste ng tao sa pag-aalaga kaya bahala na lang muna kayo mag-research ng mga gusto niyong isda and take it from there.
Muntik ko nang makalimutan, yung overhead filter, ito yon:
Ulit lang ulit. Maraming mas murang paraan ng pagbili. Kung ako ang tatanungin, wag bumili sa mall dahil mahal talaga don. Try the local petshops kasi pwedeng tumawad don. Lalo na kapag full set ang bibilhin. Ehehe!
Middle America: Prolific breeders. Males are very colorful. Active and peaceful. Livebearer.
Mexico to Venezuela: Suitable for beginners. Active, peaceful, eat algae. Prefers hard water. For propagation, breeding traps are recommended. Livebearer.
Mexico, Guatemala: Easy to maintain, but prospers only with varied diet. Livebearer.
Mexico, Guatemala: Essential for beginners. Brings life and color to the aquarium. Livebearer.
Kaninang madaling-araw, nakatanggap ako ng email mula sa isang baguhang Pinoy Aquarist. Nagtanong siya sa akin ng maraming basic na bagay tungkol sa pag-aalaga ng isda at na-realize kong ako ay naging excited at nag-madali akong isulat ang mga gusto kong bagay sa blog na ito. Dahil may Yahoo! Messenger siya, nagchat kami at narealize kong nagkamali ako sa mga unang topic na isinulat ko kaya mag-sisimula ako ngayon ng aquarium basics.
Tulad ng pag-luluto o ano pa mang libangan, dapat may mga akmang gamit para sa pag-aalaga ng isda. Kung basic lang ang pag-uusapan, konti lang talaga ang kailangan para sa nag-sisimulang Pinoy Aquarist.
Una, kailangan ng isang aquarium. Para sa mga baguhan, mas maganda kung medyo malaki ang aquarium. Kung tatanungin, 30 gallons ang magandang size ng aquarium. May kamahalan kung tutuusin pero may magandang paliwanag dito pero hindi na muna sa post na ito. Sa susunod na ulit.
Pangalawa, kailangan ng filter. Maraming klase ng filter. May box type, under-gravel type, at overhead type. Kailangan ito para maging malinis ang tubig ng aquarium. Ang napili kong picture ay isang box type na filter dahil ito ang pinaka-common na filter na makikita sa mga petshop. Bago ko nga pala makalimutan, gagawa din ako ng post tungkol sa mga home-made filters na pwedeng ipampalit sa box types kaya hintay lang kayo ha.
Siyempre, ikatlo, kailangan ng tubig para mabuhay ang isda. Medyo masalimuot na usapin din ito kaya irereserve ko na rin ito para sa isa pang sususnod na post.
At ang pinaka-huli pero pinaka-importante, siyempre, dapat may isda ang aquarium. Depende sa kung ano ang aalagaan ng isang baguhan pero mura lang ang isda. Kung mollies o swordtail lang, mga P 8.00 – P 10.00 lang ang mga ito.
Ngayon, dadadako na tayo sa mga optional na gamit. Una na dito ang ilaw. Dahil salamin ang aquarium at ang tubig ay may sariling kakayanang mag-reflect ng ilaw, kailangang may magandang pinanggagalingan ng ilaw para makita ng mga tao ang isda.
Kung mag-hahalaman, siyempre, kailangan ito para sa photosynthesis. Susunod, kailangan ng buhangin. Ididiscuss ko din ito sa isa pang susunod na post.
Hmm… tingnan nga natin ang presyo. Note: hindi ko alam kung ito pa rin ang presyuhan ng mga gamit. Mag-reresearch ako para makita ko kung mag-kano talaga ang takbuhan ng mga presyong ito. Sa ngayon, manghuhula muna ako:
30 gallon aquarium | P 1000.00 |
filter | P 300.00 |
isda | P 200.00 |
ilaw | P 300.00 |
buhangin | P 300.00 |
Total: | P 2100.00 |
Naku, medyo mahal ata, pero tandaan, estimate pa lang yan. Sa susunod na pupunta ako sa isang petshop, mag-cacanvass ako para sa inyo kaya antabayanan ang mga susunod na kabanata! Paalala niyo sa akin ang mga next topic ko ah!
Noong Linggo, nagpunta kami ni Judy sa Cartimar. Bumili siya ng mga halamang pantanim sa kanilang bakuran. Ako naman, bumili ako ng halamang pantanim sa aquarium. Bumili ako ng Java moss, isang uri ng lumot na may potential na magamit para sa iba't ibang bagay.
Ang Java moss ay nabibilang sa pamilya ng mga halamang tinaguriang hypnaceae. Noon, ito ay may pangalang vesicularia dubyana ngunit inilalagay din ito sa ilalim ng scientific name na taxyphyllum barbieri.
Kulay berde ang mga dahon nito ngunit maaari itong mabili sa mga tindahan na medyo brown and kulay. Sobrang liit lang ng mga dahon nito. Dahil lumot ang halamang ito, gumagapang ang mga maliliit na brown/black na tangkay at kumakapit ito sa mga bato.
Hindi masyadong maselan ang Java moss. Maaari itong patubuin sa iba't ibang klase ng tubig -- mula sa pinakamalinis na tubig tabang hanggang sa mga tubig na may kaalatan, tutubo pa rin ito. Konting ilaw lang din ang kailangan ng Java moss. Sa katunayan, mas nagiging madilim ang kulay nito kapag inilawan at nagiging matingkad naman ito kapag kaunting ilaw lang. Hindi rin nito kailangan ng mga fertilizer.
Sa pagsisimula ng pagtatanim, kailangan lang magtali ng manipis na layer ng Java moss sa isang bato, tuod (driftwood), o kahit bao ng niyog. Sa umpisa, dapat, hindi muna ito iilawan ng marami para lumabas ang mga matitingkad na green na sibol. Sa loob ng isang buwan, maaari na itong ilawan. Kapag nag-kaugat na ang mga moss, wala nang dapat problemahin. Kailangan lang itong icheck at tabasan ng tangkay dahil maaari itong lumago at maging masukal. Ano ang gagawin sa mga pinagtabasan? Maari ulit silang ilagay sa bato o kahit anong bagay.
Sa mga taong nagpaparami ng isda tulad ng guppy o platy, magandang isama ang Java moss sa aquarium dahil makakapagtago ang mga maliliit na isda sa mga dahon ng lumot. Mapoprotektahan nito ang mga kapapanganak pa lang na mga isda mula sa mga cannibalistic nilang mga magulang.
Dahil napakadaling alagaan ng halamang ito at maraming paggagamitan, magiging mas interesante ang aquarium. May nakita nga akong mga pictures sa net na magsasasabing ang limitation lang ng halamang ito ay ang imagination ng nagtatanim.
Mga huling habilin: P 50.00 ang regular na presyo ng Java moss sa Cartimar. Isang punong cup ng samalamig worth of Java moss ang ibibigay sa inyo. Marami na yon. Makakapuno na iyon ng isang 10 gallon na aquarium. Pag-tumubo na ng maganda ang mga Java moss ko, magpopost ako ng pictures.
Copyright © 2009 Ang Pinoy Aquarium, Powered by Blogger
CSS designed by Mohd Huzairy from MentariWorks
Blogger Templates created by Deluxe Templates